Type your search here:

Please Wait..

Thursday, August 27, 2015

Bureau of Customs SCUM Of Society (THIS BLOG POST IS FOR ALL FILIPINO CITIZENS!)

Views:

Kaninang 12pm, nagpunta ako sa customs sa Domestic road para kunin yung package na ipinadala sa'kin. Dumating ako saktong 1pm. Sobrang bagal ng sistema nila. Ang daming tauhan ng BOC sa inspection area pero tawanan lang sila ng tawanan at kwentuhan lang ng kwentuhan. Pinigilan ko ang sarili kong magtaray dahil ayokong masira ang araw ko. Nakakabigla ang mga nasaksihan at naexperience ko sa BOC kanina. Nakababahala.

1. Pinakikialaman nil ang mga nasa package. May nagpadala ng mga sunglasses at walang pakundangan nila itong pinunasan sa damit nila (na dapat ay hindi ginagawa lalo kung mamahalin yon dahil hindi naman nila babayaran pag nagasgasan) at isinukat! Pati G-shock na relos, sinukat din ng isa sa kanila. Tsk.

2. Kapag pala naka uniporme ka, uunahin ka nila. Special treatment kumbaga. Pasensya sa mga kakilala kong pulis o may kamag-anak na pulis pero yung pulis na may hawak na #103 ay nauna pa sa akin na may hawak na #85. Pati yung mama kaninang may mga bodyguard (mukhang business man), dire-diretso lang sa loob.

3. Hindi totoo 'yong NO GIFT POLICY nila. Kanina, may instik na matandang lumapit sa window 2 na halatang laging may pinipick-up na package. Nakilala agad sya nung ale sa window 2. Sabi nya dapat di na daw nag-abala si sir. Inabot ni Sir Chinese kay ate ang ecobag na halatang may microwaveables sa loob. Sabay asiste sa kanya papunta sa inspection area. Pinaghintay ng mga 3mins, sabay labas ni madam ng window 2 mula sa likod dala ang package ni Sir Chinese. Ininspect. After 5 mins, nakalabas na si Sir Chinese dala ang package nya. Di ako informed. Sana nagluto ako ng spaghetti para sa kanila. Last Supper nila.

4. Kahit na sabihing Segunda mana ang mga padala sa'yo, basta't galing daw sa ibang bansa, pagbabayarin ka nila. Oo. Segunda mana. Second hand. Pinaglumaan. Yung katabi ko kanina siningil ng +-18k para sa kahon na naglalaman daw ng mga pinaglumaang sapatos, damit, at bag para sa mga anak nya. Iyak-tawa na lang si ate. Sana pala daw pera na lang ang ipinadala sa kanya ng mga kamag-anak nya.

5. Pag may nawala, turuan galore sila. Mayayamot ka na lang at kusang aalis sa inis. May mag-asawang nagpadala ng iphones 4 at 5 daw. Galing Japan. Total n 4-5 units. Ininspect. Pinagmulta. Nirelease. Chineck nila bago umalis, nalamang kulang ng isa. Nireklamo nila. Pinaikot-ikot lang sila sa BOC hanggang sa napikon yung lalake at umalis. May CCTV daw kya di nila magagawang magnakaw. Weh. Sige. Lokohin nyo sarili ninyo.

6. Once maopen na for inspection ang box at masabi na sayo kung magkano ang babayaran mo, wala ka nang option ireturn to sender. Oo, WALA NA. Kaya't kung hindi mo kayang bayaran, salamat daw sabi ng BOC. May pangregalo na sila sa mga buwitre nila. Deemed abandoned na daw kasi yun. Hindi isasauli sa sender. Mali ang alam natin. Maling mali.

7. Bulok ang sistema nila. Yung naging kaibigan ko kaninang Amerikano (si Victor na may-ari ng isang construction firm sa bansa), pinadalhan ng tatlong ream ng sigarilyo. Diba may sin taxes? Sa tingin nyo pinagbayad sya? NO. ANONG NANGYARI SA SIN TAX?! Sya na mismo ang nagsabi sakin, walang kwenta ang sistema sa Pilipinas. Lilipat na daw sya sa subic. At kung may kelangan daw akong ipadala, kontakin ko daw sya kapag andun na sya dahil freeport na daw yun. Nakakahiya sa kanya. Nagsorry ako dahil sa kabulukan ng sistema. Sows.

8. Sobrang laki ng ipinapataw nilang charges sa customs. 6k po ang binayaran ko kanina. Opo, 6k. Sabi sa akin, customs dues ko daw yun. Kinwestyon ko kung bakit ganun kalaki, samantalang kasing presyo na nun yung laman ng package. Sagot sakin? Dapat di na lang daw ako nagpadala ng package kung magrereklamo ako sa dues. Punyeta sila. High blood ang abot ko kanina.

9. Wala silang pakialam kung saan galing ang package mo. Lahat ng presyuhan nila, USD. Galing Japan ang package na pinick up ko kanina. Marapat lamang na Yen ang currency na gamitin nila para magcompute. Pero hindi. USD ang ginamit nila. At ang exchange rate nila? Grabe. 46 almost 47pesos per USD. Magkano lang ang palitan ng USD ngayon? At 15% ang customs tax. Potek, 15%!!!

10. Aside from 6k, siningil din ako ng 100 na philpost fee daw. Tinanong ko kung bakit may philpost fee pa e di naman nila dineliver sa bahay. Sagot sakin ni Ate sa window 2 (na nagspecial treatment kay Sir Chinese kanina) basta philpost dues daw. Sabi ko ideliver nila sa bahay, hindi na daw nila covered kapag customs inspected. Punyeta lang ang nasagot ko sa kanya. Oo, minura ko sya dahil wala akong matinong sagot na nakuha mula sa kanya. Sagutin lang nya sana kung para saan ang philpost dues. Yun lang naman.

11. Nakakahiya na. Ngayon ko lang mapapatunayang nakakahiya ang gobyerno natin. Yung mga panahong nakakahiyang maging pilipino? Eto yun. Dahil hiyang hiya ako kanina sa sistemang baluktot na ako mismo ang nakaranas.

12. NO VIDEOS AND CELLPHONES ALLOWED. Takot ba kayo? kung wala kayong tinatago, dapat hindi kayo takot sa video at photos.
BOC, hindi makatarungan ang ginagawa nyo sa mga tao. Hindi tumatae ng pera o ginto ang mga OFW. Hindi sila baka na pwede nyong gatasan. Maawa naman kayo. Napaka gahaman ninyo. Nagtatrabaho sila ng marangal tapos gagaguhin nyo lang? Wow pare. Lumaban naman kayo ng patas. Kung hindi, bumaba na lang kayo sa pwesto. Grabe kayo.

REPORTED BY: Star-ski Schreave





Follow us on Xend.Me :
http://www.xend.me/trendingsvideos

Like us on Facebook:
https://www.facebook.com/pages/Trendingsvideos/711458965583029

Visit our site:
http://www.xend.me/trendingsvideos
http://cutesexyasians.blogspot.com/
http://thetrendingsvideos.blogspot.com/

Subscribe on our YouTube Channels:
http://www.youtube.com/user/TheTrendingsVideos
http://www.youtube.com/user/ViralVideosAlert
http://www.youtube.com/user/viralblooperstv
http://www.youtube.com/user/coolvidsmedia
http://www.youtube.com/user/awonderfulvideo

Also follow us on twitter:
https://twitter.com/trendingsvideos
@trendingsvideos

No comments:

Post a Comment

Most Viewed